Barbie's Cradle - Limang Dipang Tao

 (versiyon 1)
Metin boyutu: ( + Büyült ) ( - Küçült)   
Limang dipang taong nagtutulakan

Sa abenidang aking napagdaanan

Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,

di ko malaman



Sa aking dyipning sinasakyan

mayroong natanaw na mama

Sa dinami-rami ng nagdaraan

ikaw pa ang nakita

ikaw pa ang nakita

May kasamang dalaga



Para, mama dito na lang, bababa na ako

Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko

Para na sabi 

para na sabi 

para mama, Para na diyan sa tabi



Limang dipang taong nagtutulakan,

ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo

Tinatanaw ang pagakay mo

sa babaeng pinagseselosan ko



Sa pagmamadali nadapa ako

sa bangketang kinatatayuan nyo

Lumapit ka at tinulungan ako

At kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)

mga mata'y nagkabanggaan

Ano ba itong naramdaman?



Sorry mama pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita

Sorry mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa

Sorry na sabi 

Sorry na sabi

Sorry mama, sorry't napagkamalan ka



Limang dipang taong nagtutulakan

sa Abenidang aking kinatatayuan

nagaabang ng masasakyan

patungo kung saan, 'di ko malaman



Limang dipang taong naguunahan

sa unting sasakyang nagdaraan

sayang ang dyipning kanina'y lulan

at ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi



malaking pagkakamali (malaking pagkakamali)



Para mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan

Para mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan

Para na sabi

Para na sabi

para mama para na diyan sa tabi.



para mama diyan sa tabi

Para na sabi

Para na sabi

para mama, para na diyan, para na diyan sa tabi

para na diyan, para na diyan sa tabi


Bu döküman AkorMerkezi.com'da yayınlanmıştır. http://www.akormerkezi.com


İçerik Kısa Linki:


Beğendiniz mi? Limang Dipang Tao Sözleri sayfasını Şimdi paylaşın: